BLOG # 5 BAKIT MAHIRAP ANG PILIPINAS

 Ganun Talaga ang Buhay

Hindi maipagkakaila na mahirap ang bansang Pilipinas sapagkat sa maraming mga aspetong nakapaloob dito.

Isa na rito ang pagkakaroon natin ng Crab mentality. Maraming mga Pilipino ang hirap umasenso dahil sa mga taong mabilis mainggit at naghahatak sa kapwa pababa. Makikita ito sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, sila-sila mismo ang naghihilahan pababa o nagsisiraan.  Ang isa pang dahilan ay ang ningas kugon na pag-uugali. Sinisimulan ang isang trabaho ngunit hindi tinatapos nang maayos. Sanay tayong mga Pilipino na simulan ang isang bagay ngunit kapag tinamad na o nawalan ng gana, hindi na ito tinatapos o pinababayaan na lamang.  Ang isa pang dahilan ng ating kahirapan ay ang lumalaganap na korapsyon sa gobyerno. Nang nagsimulang sakupin ng mga dayuhan ang ating bansa, nakuha natin ang masamang pag-uugaling ito.  Maraming mga pulitiko ang siyang umaabuso sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanila ng mamamayan.  Bagamat, may demokrasya sa bansa, hindi pa rin maiiwasang may mga pulitikong naluluklok sa posisyon dahil sa pandaraya. Pero kung walang magpapagamit sa pandaraya, wala sanang mananalong pulitiko na hindi karapag-dapat sa posisyon. Kung uunahin lamang ng mga pulitikong ito ang mga mamamayan bago ang sarili nilang kapakanan, sana ay mas maunlad ang bansa natin ngayon.

Sana kung magtutulungan ang bawat isa at isasantabi natin ang pampersonal nating interes,siguradong uunlad ang ating bansa. Kailangan lamang ang pagkakaisa at pagkakaunawaan upang tayong mga Pilipino ay makabangon mula sa kahirapan .

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: