BLOG # 3 KARANASAN KO SA MATAAS NA PAARALAN

Karanasan Ko Sa Mataas Na Paaralan

            Napakasaya ng karanasan ko sa mataas na paaralan ngunit marami ring pagsubok akong kinakaharap.

Mas maraming takdang-aralin at gawain sa lahat ng asignatura ang ibinibigay ng aming mga guro. Natutunan ko ring maging responsable, datapwat may mga panahong kailangan ko pa rin ng tulong. Kung sakaling nangangailangan ako ng tulong sa aking pag-aaral, ang aking mga magulang at kaibigan ay laging nandiyan. Dahil sa kanila, mas dumadali ang aking pag-aaral at gumagaan ang aking pakiramdam. Noong una, nahirapan akong “mag-adjust” sa mga pagbabago pero nang tumagal, natutunan kong tanggapin na mas mahirap ang mataas na paaralan kaysa sa mababang paaralan. Kailangan lamang talaga ay sipag saka tiyaga upang magtagumpay sa pag-aaral. Kakaiba para sa akin ang mga bagong aralin, sapagkat karamihan ay bago sa aking pandinig. Subalit may mga aralin pa rin ang naituro na sa amin dito, kaya madali na lamang para sa akin. Ang mga guro ko rin ay mas istrikto kaysa sa mga mababang paaralan na guro, bagamat masisipag at matatalino talaga sila. Naranasan ko na ring magpuyat nang maraming beses sa kakaaral para sa pagsubok. Ni ang mga kakalase ko o ako ay hindi nakakatulog kapag may mahahabang pagsusulit. Mahirap man ang mataas na paaralan dahil sa dami ng ginagawa, masaya pa rin ako dahil kaunting panahon na lamang at magtatapos na ako ng pag-aaral.

Sisiguraduhin kong gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang magtagumpay ako. Hindi ko sasayangin ang pagkakataong makapag-aral sa Paaralang Xavier.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: