BLOG # 2 MGA BAGAY NA KATANGI-TANGI SA ISANG XAVERIAN

ANG KATANGI-TANGING XAVERIAN

     Katangi-tangi ang mga Xaverian kumpara sa mga mag-aaral sa ibang paaralan. Malalaman kaagad na Xaverian ang isang estudyante dahil sa mga bagay na namumukod tangi. Ang isang Xaverian ay matiyaga, maka-Diyos, may tiwala sa sarili at may pagmamahal sa kapwa.

Masasabing matitiyagang mag-aaral ang mga Xaverian sapagkat walang sawa ang mga ito sa pag-aaral. Lahat ng asignatura ay binibigay pansin at diin. Wala silang pinapalagpas na oras. Pagkagaling sa eskwela ay diretso aral na muli. May mga oras ng paglilibang ngunit mas mahaba ang oras sa paggawa ng takdang-aralin, proyekto at paghahanda para sa pagsubok. Walang kapaguran ang mga ito sa pag-aaral araw man o gabi. Maraming panahon na napupuyat sa kaka-aral para siguradong handa sa mga pagsubok kinabukasan.

Maka-Diyos ang mga Xaverian sapagkat kasa-kasama sa pang-araw-araw na gawain ang pagdarasal at pag-aaral tungkol sa Diyos. Napakaraming gawain sa pagpapatatag sa pananampalatay ang sinasalihan ng isang Xaverian tulad ng “recollection,” “service interaction,” “Days with the Lord” at kung anu-ano pa. Nagiging espiritual na matatag ang isang Xaverian dahil sa mga ito.

Isa pang katangian ng Xaverian ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Hindi basta-basta naaapektuhan o natatakot ang mga Xaverian sapagkat alam nilang pinagpala sila sa lahat ng aspeto. Ngunit hindi naman ito magiging dahilan upang maging mayabang dahil alam nila na mula lahat ito sa Diyos. May kumpiyansa lamang sila sa sarili kaya hindi nagpapadaig sa iba. Handang lumaban at manalo sa kahit na anong kompetisyon sa loob at labas man ng paaralan at maging sa larangan ng buhay.

Ang huling katangian na maipagmamalaki ng isang Xaverian ay ang pagmamahal sa kapwa. Malaki at bukas ang puso ng mga Xaverian sa kapus-palad. Handang tumulong sa lahat ng oras ang mga ito. Laging nakikibahagi sa mga iba’t ibang programa ang mga Xaverian upang makatulong sa mga kapus-palad tulad ng “Newspaper Drive,”  “Christmas Drive” at kung anu-ano pa. Handang ibahagi ng isang Xaverian ang kanyang mga biyaya sa mga mahihirap at maging sa mga kamag-aral na iskolar sa pamamagitan ng pagbibigay donasyon para sa Xavier School Trust Fund.

Tunay ngang hindi maipagkakait na ang Xaverian ay punung-puno ng mga namumukod-tanging pag-uugali na maipagmamalaki sa madla. Hindi maipagkakaila na ang isang Xaverian ay may magagandang katangian na makikita at makilala lamang sa kanila.

Sanggunian:
1.) http://listverse.files.wordpress.com/2007/11/newspapers.jpg
2.) http://profile.ak.fbcdn.net/hprofile-ak-snc4/71137_256572000088_1624584_n.jpg
3.) http://www.clipproject.info/Cliparts_Free/Schule_Free/Clipart-Cartoon-Design-13.gif

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: