Maimpluwensya…. Noon at Ngayon!

Masasalamin sa comic strip ang pagpapakita ng lakas at dahas ni Padre Damaso kay Crisostomo Ibarra.  Hindi ito natinag sa kanyang kinalalagyan at pinagpatuloy pa rin niya ang kanyang paghihiganti sa kawawang binata.  Makikita natin kung gaano kalakas ang pinaghuhugutan ni P. Damaso ng kapangyarihan.  Hindi niya inisip ang sariling pagkukulang sa mag-amang Ibarra sa halip patuloy pa rin ang pagbatikos sa mga ito.  Hanggang ngayon, mararamdaman pa rin natin ang lakas ng impluwensya ng simbahan sa pamamahala ng pamahalaan sa ating bansa. Halimbawa na lamang ang RH bill.  Hindi ito magpatupad-tupad dahil sa pagtutol ng simbahan.  Makikita natin rito na patuloy ang pakikialam ng simbahan sa pagpapalakad ng pamahalaan at ito ang dapat nating lunasan.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya, hindi maikakaila ang mabilis na pag sibol ng iba’t ibang uri ng pagpapahatid ng impormasyon. Kung noon ay gumagamit ng papel at pluma sa pagpapadala ng mensahe, ngayon, isang “klik” lang sa cellphone o komputer, siguradong maihahatid na ang mga mensahe. Maraming nagbago kung ihahalintulad ang buhay noon at sa ngayon, subalit sa malikhaing kwento ng Noli Me Tangere ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, kahit sa kasalukuyang lipunan ay masasalamin ang mga kaugaliang mabuti at hindi kanais nais ng mga Pilipino.

Likas na sa ating mga Pilipino ang paghahanda ng salu-salo kapag may aalis o magbabalik na mahal natin sa buhay. Sa pamamaraang ito, naipapakita ang pagiging isa sa kabila ng pagkakawalay ng matagal na panahon. Tulad na lamang nang muling pagdating ni Ibarra sa bayan ng San Diego, naghanda ng isang piging si Kapitan Tiago bilang pagsalubong sa nagbabalik na si Ibarra na kasintahan ng kanyang anak na si Maria Clara. Kung may handaan o okasyon tulad nito, hindi mawawala ang mga masasarap na pagkain, magagarbong dekorasyon at kasuotan ng bawat bisita. Hinding hindi rin maiaalis ang likas na pagiging madaldal ng mga Pilipino, ang walang humpay na kamustahan at mga kwento ng iba’t ibang pangyayaring pinagdaan sa buhay. Ang bawat isa ay may bitbit- bitbit na kwento, tulad na lamang ni Ibarra na pitong taon nawala sa kinalakhang bayan upang mag-aral at makipagsapalaran ng mag-isa sa bansang malayo sa kabihasnan, ang mga tao sa piging ay natutuwa sa mga pagpupunyagi ng binata maliban sa isang prominenteng tao na nagngingit sa galit dahil sa nagbabalik na si Ibarra, at yun ay si Padre Damaso. Walang ginawa ang pari kungdi ipahiya, at magparinig sa kararating pa lamang na si Ibarra. Para sa kanya marapat lang na ipagbawal ng pamahalaan ang pag-aaral sa ibang bansa ng mga kabataang Pilipino, para kay Padre Damaso nagiging mapag mataas  ang mga ito at nawawala ng galang sa mga mas nakatataas sa kanila.

Ang bawat kabanata ay nagtataglay ng mga katangian na hindi natutunaw sa init ng hanggangan ng ating bayan. Ang mga pangyayaring nasasaad sa bawat talata ay mananatiling makulay at makabuluhan. Sa ngayon masasalamin ang ugaling “naghahatakan pababa” ng mga tao, tulad na lamang ng pinapakita ni Padre Damaso sa kwento. Makikita rin ang pagiging matiisin at pagtitimpi na ginawa ni Ibarra sa likod ng mga pang-iinsulto sa kanya.

Masasalamin sa likhang “drawing” ang paggamit ng nga tauhan ng iba’t ibang modernong teknolohiya upang mapadali ang pagpaparating ng mensahe. Ang Ibarra ngayon sa ating panahon ay sinusubukang makipagsapalaran sa ibang bayan upangmag-aral at paunlarin ang sarili, karamihan sa ngayon ay nawawalan na ng pag-asa at tuluyan ng naninirahan sa sinasabi nilang mas saganang bayan. Subalit marami pa ring Ibarra sa ngayon na kahit na umalis na patungo ng ibang bansa ay pinili pa rin bumalik sa kinalakihang bayan sa kabila ng kanser ng lipunan ng ngayong panahon ay patuloy na nagtitiwala dito at sa halip na umalis ng bansa ay mas pinipiling ilaan ang kanilang sarili para pagsilbihan ang ating inang bayan.

Hanggang sa kasalukuyang lipunan talamak pa rin ang kabulukan ng sistema ng pulitika sa bansa na kabi-kabilang kurapsyon. Katumbas ito ng pagsamsan ng  ng mga ari-arian at iba pang mapang abusong gawain ng nga prayle noon. Ngayon ay ginagawa naman ito karamihan ng mga tiwaling pulitiko. Gayun din, ang impluwensiya ng simbahan ay hindi rin natatanggal na kung uugatin ay babalik sa panahon ng mga kastila. Ang pagpapatawag ni Padre Damaso kay Kapitan Tiyago upang huwag ipakasal si Maria Clara kay Ibarra sa huling linya sa “comic” ay nagsasaad ng pagiging mataas at makapangyarihang tao sa panahong iyon. Isang utos lang ng simabahan ay siyang susundin ng karamihan, tulad na lamang ng pagsasabatas ng RH bill na mainit na pinagdidiskusyunan ng pamahalaan ay pilit na ipinapawalang bisa ng simabahan. At sa pagpapatupad nito, nagkakaroon ng di pagkakaunawaan ang simbahan at pamahalaan, ang mga ordinaryong tao ay labis na naapektohan dahil dito. Masasabing may kanser pa rin ang lipunan hanggang sa kasalukuyang panahon. Tayo ay napapasailalim pa rin sa impluwensiya ng nga dayuhan. Marami pa ring komplikasyon na dapat gamutin, ang korapsyon sa gobyerno at hindi mahusay na pamamahala. At bilang mag-aaral, nararapat lamang na tularan si Ibarra, kailangan maging mapanuri sa lahat ng mga bagay, makiaalam sa mga gawaing pang sibiko.

Image

Sources:

http://photobucket.com

Timothy Tan H3-C

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: