Sanaysay na Nagsasalaysay # 1

Naabot ang Pangarap

     Mahirap nga bang abutin ang ating mga pangarap? Ano ang dapat nating gawin upang makamtan ang mga ninanais natin sa buhay? Ako po si Timothy Tan at nais kong ibahagi sa inyo ang aking di-malilimutang karanasan.

Noong ako ay nasa ika-pitong baitang sa Paaralang Xavier, nais kong tumakbo bilang SC president ng mababang paaralan. Ito ay sa kadahilanang gusto kong paglingkuran ang lahat ng mga kamag-aral pati na rin ang mga guro. Ngunit hindi naman ganoon kadali marating ang posisyong ito. Hindi biro ang mga tungkuling dapat gampanan ng kahit sinuman ang mahalal. Sa kabila ng determinasyong tumakbo, ako rin ay nakaramdam ng pag-aalinlangan at takot. Naisip ko kung kakayanin ko ba o hindi lalo pa’t napakahirap ng hamon ng pag-aaral sa Grade 7. Pumasok din sa isipan ko kung mananalo nga ba ako sa eleksyon gayong magaling din ang aking katunggali. Tinanong ko ang aking sarili kung kaya ko bang ibalanse ang oras ko sa pag-aaral at sa paglilinkgod. Buti na lang at nalagpasan ko ang mga ito sa tulong ng aking mga magulang. Napakamahalaga ang mga ibinigay nilang payo, kaalaman at higit sa lahat, ang kanilang pagmamahal. Anuman ang mangyari, manalo man o matalo, sila’y laging nandiyan para sa akin upang ako’y suportahan.

Pagkaraan ng ilang araw na paghahanda sa kampanya. paghihirap at pagtitiyaga, ako’y pinalad na mahalal bilang SC President ng mababang paaralan. Napakasaya ko at abot langit ang aking pasasalamat sa aking mga magulang, sa lahat ng mga bumoto at naniwala sa aking kakayahan at higit sa lahat, sa ating Panginoon. Naabot ko ang aking pangarap!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: