BLOG # 4 “CLEAN AIR ACT”

Reaksyon sa ‘CLEAN AIR ACT”

      Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay maganda, malinis, at mapayapa. Kung ganun, bakit tila hindi na natin nakikita o nararamdaman ang mga ito sa ating kapaligiran? Ito ba ay dahil sa kapabayaan ng bawat tao?

      Nang nabasa ko ang sanaysay tungkol sa “Clean Air Act,” tunay na maganda ang hangarin ng batas na ito sa pagbuti ng kalagayan ng ating kapaligiran laban sa polusyon.  Sa pagpapatupad nito, maaasahang bubuti ang antas ng kalinisan ng ating kalikasan. Mababawasan ang bilang ng mga nagkakasakit o di kaya mga namamatay dahil sa karamdaman bunga ng polusyon tulad ng pulmunya at sakit sa baga.  Ngunit hindi ito magtatagumpay kung hindi ito maisagawa ng ating gobyerno nang mahusay.  Kailangan turuan ang mga mamamayan kung ano ang mga tama at hindi tamang gawain.  Hindi puwedeng pahintulutan ang korupsyon.  Samakatuwid, dapat maging istrikto ang mga opisyal ng gobyerno sa pagpapatupad nito.  Tayo bilang mamamayan, kailangan nating makiisa at makipagtulungan upang makamit ang tunay na layunin nito.

Walang perpektong bagay sa mundong ito.  Ngunit kung buo ang ating loob na labanan ang anumang nakasisira sa ating kapaligiran o kalikasan hindi lamang para sa ating henerasyon kung hindi para sa mga susunod pa, kaya natin ito!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: